Monday, March 21, 2005

Seven

This is not about Brad Pitt's movie..

Not even the TV channel..

Seven.. ang numero ng units na bagsak ko.

Ang unang tatlo ay handog ng Anmath1. Regalo ni Tristan Reyes, di lamang sa aken kundi halos lahat ng mga kaklase ko. Natuto lamang ako ng 45% ng scope ng course. Nais ko sisihin si Tristan dahil ang niyang intindihin. Ang taray-taray pa.. Pero siyempre may mali rin ako kasi di ko inaral ng mabuti. Triny kong habulin ito sa pamamagitan ng pagaaral hanggang lumuwa ang aking mga mata ngunit di talaga umabot.. "I di my best.. but .. it wasn't good enough.."

Ang ikalawang apat ay handog ng magkasamang DBAPDEV at DATPROJ. Regalo ito ni Oliver Malabanan para sa Christmas.. Masisisi ko ang aking mga kagrupo, ang aking sarili at ang tadhana. Bakit ang aking kagrupo? di kasi nila natapos ng tama ang mga modyul na pinagawa ko sa kanila. Bakit ang aking sarili? Hindi ako nagadvance study, nagtanong at nagpatulong.. Bakit ang tadhana? naiwan kasi kaming nagiisa sa company kaya sobrang hirap ang aming naranasan..Iniyakan ko ang pagbagsak dito pero matapos nuon na-realize ko na its for the best kasi I'd learn a lesson at alam ko na ang dapat gawin di lamang sa take two nito kundi sa iba pang related na subject. Naging friendly-friend din kami ng aking kagrupo na si Val, Erik at Arianne..

Seven.. curses at you.. Seven ang numero ng mga bagsak ko..

No comments:

NuffNang Ads