Wednesday, January 07, 2009

Sumosorpresa

Background:

Mejo naiinis kasi ako kay Jessie lalo na nung Jan. 5.. Naiinis lang di naman nagtatampo.. Kasi naman plano niyang umuwi sa Bulacan nang Jan. 5 eh.. Monthsary nga namen yun... Tapos, hindi pa niya ako nireregaluhan nung birthday ko...

Pag uwi ng January 5, pagsasabihan ko sana pero pag uwi naman niya nuon.. Niyakap niya ako ng puno ng love at nakalimutan ko na lahat ng dinadaing ko.. Makakalimutin naman talaga si Jessie.. At I guess nakuha ko na yung gift ko sa yakap na yun.. Wahahaha (Kornik!)

Basta sabi niya, bukas na daw siya bibili.. Hindi na daw niya naabutan yung SM.. (Later on, malalaman na LIE yun.. Hahaha.. Abangan!)

January 6

Umuwi si Jessie sa bahay nila... Tapos, bigla siyang nangulit nung nagtetext kami..

Naligo ka na ba? Nagpalit ka na ba?

Weird ng tanong..

Baka naisip ko.. Napagpawisan kasi ako sa jogging so baka ayun.. Pero paulit ulit na tanong.. hmmm... Ewan ko dun...

Tinanong kung andun daw ba yung shirt niya.. Sagot naman ako na oo.. Kasi nung huli akong nag-ayos..Nilagay ko yun sa ibabaw at lahat ng labada eh nalagay ko naman sa kabinet...

Nafrustrate na siguro.. Tinanong niya kung wala daw ba akong napansin na kakaibsa sa kabinet...

Expect niya ata na kapag nagpalit ako ng damit, may makikita ako sa kabinet.. yun yung original na plan..

Since sa ilalim ako kumuha ng damit.. di ko nakita agad...

So ayun.. "Wala ka bang nakikitang kakaiba sa cabinet? :("

Na-excite na ako!

Ala! hindi ko naman makita.. asan ba yun? Tumawag si Jessie.. Hindi ko daw ba makita...

Hinalungkat ko na yung kabinet.. wahahaha.. ayun pala yung gift niya.. Nasa ibabaw na damit sa itaas na kabinet.. Sa babang cabinet kasi ako kumuha ng pantulog at sa gitna ako kumuha ng damit na panjogging so hindi ko nakita.. Wahahaha...

*BLUSH*

Ayun naman pala.. sumosurpresa...

Ayan na gift ko.. Hehehehe...

Ipopost ko siya soon... Hahahha

Yakap yakap ko hanggang matulog...

No comments:

NuffNang Ads