Wednesday, August 31, 2005

While on a break...

Fire element
Your element is Fire. Like fire, you have a hot
temper and you can be warm and loving as well
and angry and wild. It all really comes down to
what you are feeling. You have a lot of close
friends who you are very protective over, and
with your temper probably some enemies too. You
are not Miss/Mr Popular in school since you are
your own person and don't want to be forced
into behaving this or that way. You are the
untamed wild horse, the kind that everyone
wants to catch. But you don't want to be tied
down for the moment and just keep going with
your little crushes. Your will is strong and if
you set your mind to do something, you will
most likely succeed. But beware, your friends
may not always accept your mood-swinging
behaviour. Even if you don't mean to be mean,
they can still feel hurt. You just need to
start thinking some things through before you
do them, and not always jump in with so much
courage. One day you may be hurt because of
that, but then again, your element isn't fire
if you start to analyse situations before you
act. After all, your nature is to shoot first
and ask the questions later. Rate and message!


What is your element? [with pics + detailed answeres]
brought to you by Quizilla


Protector
You are a protector.
Yes, you don't like to kill people. That goes
against everything you belive in. It's not that
you are a coward, but your ideals and morals
wouldn't allow it. You are the typical hero, do
the righteous things, get the bad guys and do
it all legally. But just because you don't kill
doesn't mean you can't kick ass. And that is
what you do. You use your brain and your
strenght to do honourable deeds and protect
people you know and love. If an evil guy is
going to take over the world soon, it's you who
will get involved. You hate watching innocents
suffer, and love seeing bad people getting what
they deserve. You are probably also happy and
optimistic and work pretty good in groups. And
the friends you usually make are true ones.

Main weapon: Anything at all
Quote: "You only live once, but if
you do it right, once is enough" -Joe
Lewis
Facial expression: Smile


What Type of Killer Are You? [cool pictures]
brought to you by Quizilla

I'm a survivor

Yes!!

Pasado lahat.. Makakahinga na ako ng maluwang...

On the next...

Monday, August 29, 2005

Bakasyon na

Salamat at tapos na ang paghihirap ng unang termino ko para sa ngayong taon na ito..

Oras na upang magpahinga..

Do nothing and achieve everything not related to academics..

YES, freedom!!

Sana maumpisahan ko ang lahat so as next term.. mas maayos..

Wednesday, August 24, 2005

I hate you... you annoying...

I hate you!

Sino ka ba para dapat alamin yung mga details sa iyong past?
All I need to know is that you're a prof.. that ends there.. bakit kelangan kong malaman yung id number mo? Feel na feel mo naman.. porket prof ka na? Dare ikaw nga ano id number ko? without looking at your records.. Ilang beses na ako bumagsak? Ilang beses na akong naging VP? Ilang orgs ang sinalihan ko nung froshie year? Ilang beses ako magpagupit per term?

Hindi lang ikaw ang subject ko at ikaw ang pinaka-ilalim ng mga priority ko.. feel mo.. i hate your subject and you for feeling that your subject should be the number 1 priority..

Papasa ako!! at hindi ko na kailangan ikaw.. Peste.. INTROOS pala next term..

Aaralin ko yun.. Di tulad ng subject mo!!

Beehlat!!

Wednesday, August 17, 2005

Dagdag bawas

Bawas
Onti na lang.. Matatapos na lahat ng requirements...
Dagdag
Oras na ng finals
Bawas
Oras ng pagtulog..dahil sa
dagdag na trabaho

SI ..... ay
ibabawas
Kaya ang trabaho ko ay dagdag..

Upang magbawas ng problema,
Kailangan ng dagdag na effort para sa solusyon..

Kapag may ibabawas, may idininadagdag

Tuesday, August 16, 2005

Di kayang magsulat

Di kayang magsulat
Thirdy Lopez

Di ko kayang magsulat
Sa mga panahon tulad nito

Kapag Logic at mga programs
Ang asa isip
Pagod at kulang sa pag-iglip
Takot na bumagsak
At mabato ng mga mali
Sisihan at kaba
Ang laging nangyayari
Kahit hirap ang inilalagi
Sa oras na kulang para sa'kin
Tanging pag-asa lang ang maibabahagi

Nike



My expression...

Sa baba

Saturday, August 13, 2005

Leader, I am!

Nuong una, wala talaga sa akin ang pagiging leader. Ayaw na ayaw kong nagiging leader at ang nagyayari ako lahat ang gumagawa at gumagastos. Pero sa La Salle, iba ang aking narealize at natutunan ang leader ay nag-lelead, nag-iinspire..

Kausap ko kahapon si Tita. Nagkwentuhan tungkol sa pagiging boss o leader.. Generally ang leadership sa ngayon ang ang pag-iinspire sa mga tao para sa kanilang improvement...

Naisip ko na lang ang ilang bagay na na-accomplish ko.

Subject one:
Boss A
Si A ay lagi ko na halos lider yan at lagi na rin kasama. Siguro sa influence ko na rin. Naging kritiko na rin si boss A. Tuwing kasama ko yan. Pareho na kaming nakiki-alam at nanghuhsaga ng mga sistema dito sa DLSU.

Subject two:
Katambay B - F
Dala na rin siguro ng pinagsamahan pero ang bottomline eh sumali sila sa org ko ng hindi ko pinipilit.. I just asked them, Wanna be a part of Writers' Guild? I got 5 yes and a promise to pay the membership fee. It's not force but influence that made them join our organization.

Subject three:
Officer G
Hindi ko naman talaga kilala si G. Pero nakasama ko siya sa BA. Sa isang araw, este isang outreach.. dala-dala ko ang GutSpill.. Tinanong niya.. ano yan? at duon ko na siya nainfluence sumali ng org.. isa siya sa mga unang officers ko.. at ka-****** ko na ngayon..

Subject four:
Officer H
Sa totoo lang, meron pero kulang.. Super gulo nitong mag-tutut.. Pero sa paulit-ulit na criticize.. umayos naman.. pero pangit pa rin...Sayang, ang dami ko pa naman inspiration quotes na nasabi ko sa kanya..

Subject five:
Member I - J
Itong mga frosh na ito.. Nasali sa org dahil gusto talaga nilang magsulat pero dahil frosh nakakain ng hiya... Pero papayag ba ako ng ganun.. O di ba nakapagsalita sa harap ng pinoypoets? sa kabila ng pagiging busy sa academics..

Subject six:
Officer K
Di pa ako tapos dito.. Pero malapit na siya... Staff ko to last year.. At isang masipag na officer ngayon.. Di nga lang tapos yung pinagkakasipagan niya.. pero may effort, kulang nga lang...

Subject seven:
Member L
Ito ipapalit ko kay Officer H.. Pag pumayag na siya.. pero hindi yan malayo.. Staff ko rin siya last year at kahit na wala naman talaga siyang galing sa writing.. siya ay isa sa mga almost active members ng org...

Wednesday, August 10, 2005

Engkwentro

Isang Poetry Reading.........

Mamaya na!!
6-9 PM
SJ109..

Kasama ang pinoy poets...

Punta kayo, ha?

Tuesday, August 09, 2005

Poetry = appreciation

Isang mahalagang sangkap ng tula ang talinghaga.

Ito ang siyang bagay na nais ko sa tula.. Ito ay profound, isang paksa na hindi specific. Marahil di makatotoohanan. Ang "art" na asa loob ng meaning ng tula..

Marahil isa lamang pagkakaiba ng perspective o isang implied truth o isang katatawanang hatid ng isang figure of speech.

Ngunit para sa akin, ang tula ay nagpapasiya, nagpapaisip at nakakapag-inspire..

Keep on, Writing!

Write On!

CSO: the perfect specimen

HAHAHAHAHAHA (evil laugh!)

CSO is so un-structured despite Mam Kit's claims that it is an efficient system. Well, its not. It's one of the most ineffective, inefficient systems in DLSU.. Anyway, most of DLSU systems suck naman..

I can point out a few of these good systems.. OPAC series.. u rock.. sa Library yan
Accounting system, ikaw ay aming sinasamba.. Laos na lang ang iba sa iyo..

Mga ok na system pero kulang ng info des.. Registrar, sana nga lang alam namin kung paano.. at kung saan pumunta yung pera namen..

AT siyempre , ITC na bulok...

Anyway, balik sa CSO. Maraming redundancy at un-necessary steps para dito. Isang perpektong ispecimen.. Sabog at di nagkokonek kahit na pareho lang naman ang kakalabasan..

HAHAHAHAHA!! CSO akin ka.. patay ang mga langaw mo (metphor)..

Evil laugh!!

Thursday, August 04, 2005

Tatlo

Tatlo sa officer ko ang kinausap ko ngayon:
1. Kendy and Mark (considered one na yan kasi isang committee naman sila)
- upang idiscuss yung dapat for requisition.. Wala na kasi akong pera at mas madali ito kaysa sa reimbursement. Para sa poetry workshop at sa poetry reading, kasama ang WG awards.. Dahil dito na late ako sa RELSTRI..

2. JEJ
- Tungkol sa pag-iinform ng members.. Although ang problem ay wala siyang iuutilize na committee.. Pero ok naman yung feedback niya kasi iniemail niya yung groups.. sana lang gamitin niya yung ibang means of communication.. Pero nagtetext pa rin ako... Mas ok na yung makulit keysa deadma.. at least may effort..

3. Nikki
- Sinabi na lahat ng concerns ko bago pa ako nakapagsalita.. Sana matapos ito(soli) this term..

Tatlong beses ako sumakay ng jeep kasi tatlong beses ako nagbalik-balikan sa skul
1. for class
2. meet nikki and photocopy gutspill
3. give card softcopy

tatlong daan na lang pera ko.. 2 araw pa ang lilipas..

ANG buhay!!

Cornick

Cornick
Thirdy Lopez

Crunch, Crunch
Eto na lang ang kalagayahan ko.
Wag mo nang pansinin.
Panguyang sinabi.

Garlic, Adobo, sweet spicy
Mamili ka, kakainin ko lahat
Ang ingay ng aking kagat
ay ang aliw na hatid nito.

Cornick, masaya ako
kapag kasama ka.
Binubusog mo na ako.
Pinapasaya mo pa ang araw ko.

Pagkat ang ingay mo ang nakakalimot
Sa pagod ko, tumitila ng gutom ko.
Cornick, Salamat sa iyo!
Crunch, Crunch
----------------------------------
Don't understand this literally. Create your own understanding. Use the subject as a metaphore for something else...

Tuesday, August 02, 2005

Putol..

Isang araw, nandyan lang ako nakaupo at nagiintay sa wala. Nanahimik lang at walang paki-alam sa mundo nang biglang may gumulantang sa aking espasyo ang nakakabinging ingay na nagpapahayag, "Helo! Ako si.. Sino ka?"
Sa aking isip, Ang ingay naman nanahimik ako dito, eh. Wala naman paki-alamanan kahit mukha akong mabait ayaw ko parin ng na nakukulit. Sinagot ko siya para naman
---------------------

Putol na istorya o essay.. nawala na yung trail of thought ko ng mag-istart yung lesson.

Think ITC na paulit-ulit nagtatanong ng username at password eh.. ininput na nga namen sa log-in...

Ang tanga-tanga talaga ng ITC..

ITC bulok..
--------> Basta yun yung thought..

Monday, August 01, 2005

Hate Work, Love life, Thankful for friends

Ayaw ko na.. Pwede bang ipasa na lang sa iba yung trabaho..

Good thing nakatulog ako nuong Saturday, Sunday dahil wala na naman tulugan..

WORK ONE: ALGOCOM

WORK TWO: INTROSE

WORK THREE: WG

WORK FOUR: NEWSLETTER

WORK FIVE: Daily tasks

BLAH!!

AM NOW PROCRASTINATING!!!

NuffNang Ads